Batsilyer sa Sekondaryang Edukasyon Medyor sa Filipino
Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa
LIMANG (5)
payo upang madagdagan ang kalaaman sa emosyonal na pagkatuto.
Limang (5)
payo para sa pagpapaunlad sa lebel ng kamalayan na makatutulong sa pamamahala ng emosyon at pag-aaral ng mga mag-aaral tungo sa matagumpay na pagkatuto at kinabukasan sa buhay.
Paano nga ba natin maitataguyod ang pansariling pamamahala?
Paano nga ba natin maitataguyod ang ‘di malay na paniniwala at pakiramdam?


EMOSYONAL NA PAGKATUTO AT LEBEL NG KAMALAYAN
VISPERAS, JAMESON H.
ANDIG, NICOLE E.
AYURO, CHRISTINE MAE L.
LADRERA, JUNNEL G.
2020

ISIPIN:
Sa paanong paraan ka natututo?
ANO ANG EMOSYONAL NA PAGKATUTO ?
Tumutukoy sa kakayahang kilalanin at pamahalaan ang sariling emosyon. Ang kakayahang magtamo at mabisang mailapat ang mga kaalaman.
​
Ang panlipunang kamalayan ng emosyonal na pagkatuto na maaring pataasin ang positibong pag-uugali, habang pinabababa ang mga hindi kanais-nais na pag-uugali, pang-aabuso at maging ang pagkakaroon ng emosyonal na pagkabalisa ng mga mag-aaral. Tungo sa mabisang pagganap sa kani-kanilang akademikong gawain.
Ayon sa mga mag-aaral sa batsilyer ng sekondaryang edukasyon medyor sa filipino sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa. napatunayan sa pag-aaral na ang tumutulong sa mag-aaral na mag tamo ng mabisang kamalayan sa emosyonal na pagkatuto batay sa panlipunang kamalayan; matalinong pagdedesisyon; pansariling kamalayan; kasanayan sa pakikipag-ugnayan; pansariling pamamahala. Ayon kina Visperas, et. al., (2020).

Ano ang maaari mong gawin upang mapabuti ang iyong sariling kamalayan ?
kontrolin ang iyong mga aksyon, damdamin, at saloobin sa bawat kasanayan sa iyong pansariling pamamahala. ang mga kasanayang ito, maaari mong sundin na ang mga gawaing dapat mong ilapat sa iyong emosyonal na pagkatuto. Gayundin, ang kakayahang pamahalaan ang iyong sarili na makatutulong sa iyo ng mas maging matagumpay ang iyong mga pagsisikap sa pagtatakda ng layunin sa paaralan maging sa iyong buhay. Ang pagkakaroon ng mga kasanayang ito na nagbibigay saiyo ng higit na pamamahala sa iyong pagkatuto.
Paano nga ba natin maitataguyod ang pansariling pamamahala?
Maaari mong pagbutihin ang iyong mga kasanayan sa sariling pamamahala, sundin lamang ang mga hakbang na ito:
1. Pamahalaan ng tama ang iyong sarili
Pamahalaan ng tama ang iyong sarili, at gawin ang mga bagay na makatutulong upang mas mapangalagaan at makontrol mo ang iyong sariling kilos. Magkaroon ng sapat na oras para sa sarili kagaya ng pagkakaroon ng sapat na pahinga, pag-aalaga sa iyong pisikal, mental at ispiritwal upang mapamahaalan ng maayos ang iyong sariling emosyon.
2. Ituon ang iyong pansin sa isang gawain
Upang maging tama at maayos ang iyong mga gawain, subukan mong ituon ang lahat ng iyong atensiyon sa mga bagay na madadali at kaya mong gawin.
Sa pamamagitan ng tamang pamamahala sa iyong sarili makatutulong ito sa lahat ng iyong responsibilidad sa buhay na siyang magiging dahilan upang maiwasan mo ang mga pakiramdam na nagdudulot ng pagkabalisa sa maraming bagay.

Pagtataguyod ng panlipunang kamalayan
Ang emosyonal na pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang panlipunang kamalayan, nakokontrol nila gamit ang kanilang emosyon sa iba’t ibang sitwasyon at nagiging responsable sila sa emosyon at pag-uugali.
Pagtataguyod ng pansariling kamalayan.
Ang emosyonal na pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang sariling kamalayan, nagagalang nila ang lahat ng taong kanilang nakasasalamuha at nakagagamit sila na angkop na anyo ng komunikasyon sa pakikipag-ugnayan sa iba.


Pagtataguyod ng matalinong pagdedesisyon
Ang emosyonal na pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang matalinong pagdedesisyon, nakaiimpluwensiyan ang mga ito sa pakikipag-ugnayan sa iba at sa isasagawang desisyon at nahaharap nila ang mga pananagutan sa lahat ng desisyon na kanilang ginagawa.
Pagtataguyod ng kasanayan sa pakikipag-ugnayan.
Ang emosyonal na pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang kasanayan sa pakikipagugnayan, nahuhubog ng mga mag-aaral ang kanilang sarili dahil sa impluwensiya ng mga tao sa komunidad at lipunang na kanilang kinabibilangan at nababatid nila ang mga kasalukuyang nagaganap sa komunidad at lipunang kinabibilangan.

Pagtataguyod ng pansariling pamamahala
Ang emosyonal na pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang pansariling pamamahala, natutukoy ng mga mag-aaral ang kanilang kalakasan at kahinaan at natataya naman nila ang sariling kamalayan.

Pagtataguyod ng pansariling pamamahala
Nag bibigay ng pagganayk sa isang mag-aaral. kapag mayroon kang matibay na kakayahan sa pansariling pamamahala, mayroong posibilidad na maging matagumpay ka sa iyong pag-aaral. Tinutulungan ka ng bawat kasanayang ito na manatiling produktibo at makahanap ng mga paraan upang bigkisin ang iyong pansariling pamamahala at upang matukoy ang kalakasan at kahinaan ng maitaguyod ng mapabuti ang mga ito sa masistemang pamamaraan.
ANO ANG LEBEL NG KAMALAYAN?
Tumutukoy sa bawat balakid sa buhay na maaaring malagapasan ng mag-aaral upang tuwirang mabago ang pag-uugali sa mga paraan na tumayo sa sariling malay na paniniwala at pakiramdam.
​
kontrolin ang iyong mga aksyon, damdamin, at saloobin sa bawat kasanayan sa iyong pansariling pamamahala. ang mga kasanayang ito, maaari mong sundin na ang mga gawaing dapat mong ilapat sa iyong emosyonal na pagkatuto. Gayundin, ang kakayahang pamahalaan ang iyong sarili na makatutulong sa iyo ng mas maging matagumpay ang iyong mga pagsisikap sa pagtatakda ng layunin sa paaralan maging sa iyong buhay. Ang pagkakaroon ng mga kasanayang ito na nagbibigay saiyo ng higit na pamamahala sa iyong pagkatuto.
Ang ‘di malay na paniniwala at pakiramdam ang lebel ng kamalayan ng mga mag-aaral sa ikalawang taon. Ayon sa pag-aaral nakikilala ng mga mag-aaral ang kanilang sarili dahil sa kanilang di malay na paniniwala at pakiramdam. Nasusuri at natutukoy rin nila ang kanilang di malay na paniniwala at pakiramdam sa lahat ng kanilang ginagawa. Sa kanilang pang araw-araw na buhay nagagamit nila ang di malay na paniniwala at pakiram. Naiimpluwensiyahan ng di malay na paniniwala at pakiramdam ang desisyon sa buhay ng mga mag-aaral. Ayon kina Visperas, et. al., (2020).
Limang (5) payo para madagdagan ang iyong kalaaman sa pagtataguyod ng emosyonal na pagkatuto.
‘Di malay na paniniwala at pakiramdam.
​
Kung ang lebel ng kamalayan mo ‘di malay na paniniwala at pakiramdam ang damdamin, saloobin, emosyon, motibo at desisyon mo sa buhay maaaring magbunga ng ‘di malay na pakiramdam na nakaiimpluwensiya sa iyong pag-uugali kung hindi mo Nasusuri ang iyong di-malay na paniniwala at pakiramdam sa lahat ng iyong ginagawa.

_jfif.jpg)
Lihim
​
Kung ang lebel ng kamalayan mo nag bunga ng palilihim, samadaling salita nakapagninilay ka habang naglilihim at natutukoy mo ang iba't ibang lebel ng kamalayan na Itinatago mo sarili ng walang halong pang-huhusga ang lahat ng opinyo paniniwala at kamalayan maaring mag bunga ng mabisang pagkatuto.
Pansariling desisyon.
Kung lebel ng kamalayan mo pansariling desisyon. mabubuo ka ng malawak na kamalayan sa pamamagitan ng pansariling desisyon at makikilala mo ang iyong sarili. dahil sa iyong sariling desisyon matutukoy mo ang mga tama at maling desisyon at napupukaw mo ang iyong kakayahan at pagganyak gamit ang pansariling desisyon.

Malayang pagpapahayag
Kung ang lebel ng kamalayan mo nag bubunga ng malayang pagpapahayag. Makabubuo ka ng makabuluhan at kapakipakinabang na kaisipan na iyong naipahahayag sa iba. At natataya mo ang iyong mga ipinahahayag na kaisipan at saloobin sa iba. Maging nakagagamit ka ng iba’t ibang pamamaraan sa pagpapahayag sa iyong kaisipan sa iba.

Mga bagay na hindi isinasa alang-alang.
Kung ang lebel ng kamalayan mo mga bagay na hindi isinasa alang-alang. Nalilimitahan mo ang iyong sarili sa mabisang pagkatuto sapagkat hindi ka bukas sa pagtanggap ng ibang bagay para ikauunlad ng iyong kamlayan. At nakapagpapabagal sa iyong pag-unlad ang ibang bagay na hindi makabuluhan sa iyong buhay. Rapat na magin bukas ang iyong kaisipan positibo at negatibo man ang iyong pananaw sa mga nangyayari sa iyong buhay.

Ang mga bagay na hindi isinasa alang-alang ang lebel ng kamalayan ng mga mag-aaral. Ayon sa pag-aaral maraming mga mag-aaral ang nanghihinayang sa mga bagay na hindi nila nagawa sa kanilang buhay na nagiging dahilan sa pagkabagal sa kanilang pag-unlad at dahil narin sa mga bagay na walang kabuluhan. Nagiging negatibo ang pananaw sa kanilang buhay dahil sa mga bagay na hindi nila isinasaalang-alang. Dahil rito nalilimitihan ang kanilang sarili sapagkat hindi sila bukas na tumanggap ng ibang mga bagay. Kung ipagpapatuloy ang pagsasawalang bahala sa mga bagay-bagay maaari itong magdulot ng negatibo pagkatuto at sa buhay ng isang tao. Ayon kina Visperas at Andig et. al., (2020).
Contact
University Rd, Poblacion, Muntinlupa, Metro Manila, Philippines